U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

Https

Secure .gov websites use HTTPS
A lock () or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

Breadcrumb

Pamumuno ng May Koordinasyon na Pagtugon ng Civil Rights sa Coronavirus (COVID-19)

Table of content
Description

English Español 繁體字 | 简体字 | Tiếng Việt | 한국어 | Tagalog

Pahayag ng Principal Deputy Assistant Attorney General para sa Civil Rights (Mga Karapatang Pangmamamayan)

Ang Principal Deputy Assistant Attorney General para sa Civil Rights na si Pamela S. Karlan ay naglabas ng sumusunod na pahayag at kalakip na gabay na sasanggunian para tulungan ang mga Pederal na ahensiya, estado na pamahalaan at lokal na pamahalaan, at mga tumatanggap ng Pederal na pinansiyal na tulong sa pagtugon sa patuloy na mga hamon sa mga karapatang pangmamayan na may kaugnayan sa pandemyang COVID-19: (PDF)

Niligalig ng pandemyang COVID-19 ang paninindigang ng ating Bansa para sa lipunan na bukas, pantay-pantay, at isinasama ang lahat.  Nakita natin ang kamuhian at nagpapakita ng pagkayamot sa mga dayuhan na pananalita at karahasan na nakapuntirya sa mga Asian American and Pacific Islander (Asyanong Amerikano at Taga-Isla Pasipiko, AAPI) na mga komunidad at negosyo.  Nakita rin natin ang mga Black, Katutubo, Latino, at Taga-Isla Pasipiko na mga komunidad, pati na rin sa mga taong may kapansanan, na nagdurusa sa hindi proporsiyonal na taas ng bilang ng mga namatay at mas malaking panganib na magkaimpeksiyon at pagkakaospital.  Pinatindi ng COVID-19 ang hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan, ekonomiya at kapaligiran na hindi natin puwedeng bale-walain.    

Bilang Bansa, hindi natin matutugunan nang sapat, at makakabangon sa, COVID-19 kung hindi natin mapoprotektahan ang lahat ng ating mga kapwa.  Kailangan nating ipagpatuloy ang hustisya sa ngalan ng mga pinupuntirya dahil sa kanilang lahi, kulay, relihiyon, bansang pinagmulan, kasarian (kasama ang sekswal na orientasyon at kasariang pagkakakilanlan), kapansanan, pagkamamamayan. 

Ang Department of Justice (Kagawaran ng Katarungan) ay masiglang nagpapatupad ng mga Pederal na karapatang pangmamamayan habang patuloy kaming nagpoproseso ng mga pambansang pagtuos, pagbangon, at paghilom.  Ang mga proteksiyon sa mga karapatang pangmamamayan at pananagutan ng mamamayan  ay umiiral pa rin kahit na sa mga panahon ng emergency.  Ito hindi maaaring ipaisantabi. 

Ang mga Pederal na ahensiya, estado at lokal na pamahalaan, at mga tumatanggap ng Pederal na pinansiyal na tulong ay mahalagang bahagi ng ating ambagang pagsisikap para ipagtanggol ang mga karapatang pangmamamayan. Ang mga sumusunod na prinsipyo ay kailangang tumulong sa pagtugon sa mga walang diskriminasyong pananagutang ito:

1.       Labanan ang mga krimen ng pagkamuhi, panggigipit, at mga ibang diskriminasyon laban sa komunidad ng AAPI. 

Nagkaroon ng nakakabagabag na pagdami ng karahasan, panggigipit, at  diskriminasyon na nakapuntirya sa komunidad ng AAPI.  Ang mga batas na nagbabawal ng mga naturang gawi ay dapat na maliksing ipatupad ng Pederal na pamahalaan na kumikilos kasama ang mga estado at lokal na kasangga.  Dapat nating suportahan at madulutan ng mga serbisyo ang mga biktima ng krimen ng pagkamuhi, panggigipit, at hindi makatarungang diskriminasyon at tiyakin ang kaligtasan ng mga paaralan, lugar na pinagtatrabahuhan, at mga komunidad sa pamamagitan ng maagap at maingat na pagsisiyasat ng mga reklamo.  Kasama sa nakalakip na gabay ang mga magagamit at madudulugan para suportahan ang pagpigil at pag-ulat ng mga krimen ng pagkamuhi sa mga komunidad.  Ipinapaliwanag rin nito kung paano ang pag-uulat ng diskriminasyon, panggigipit, o dulot ng pagkamuhing insidente sa pabahay, edukasyon, trabaho o mga ibang paglabag ng mga karapatang pangmamamayan.  Handang kumilos ang Civil Rights Division sa mga kapatirang Pederal na ahensiya para suportahan ang estado at lokal na pagsisikap na may kaugnayan sa pandemya na nakatutok sa pagpigil ng panggigipit at diskriminasyon na pumupuntirya sa mga komunidad ng AAPI.  Para sa mga karagdagang impormasyon sa pagpigil ng mga krimen ng pagkamuhi sa inyong komunidad, bumisita sa  hate crimes resource page ng Department of Justice.

2.       Tiyakin ang pantay-pantay na access para sa mga taong may kapansanan at pigilan ang diskriminasyon sa kapansanan. 

Ang COVID-19 ay nagkakaroon ng mapanalasa at hindi proporsiyonal na epekto sa mga taong may kapansanan.  Ang mga pamahalaan, tagatustos ng pangangalaga sa kalusugan, at mga pasilidad ng pangmatagalang pangangalaga ay dapat na sumunod sa  Americans with Disabilities Act (Batas sa mga Amerikanong May Kapansanan, ADA) at Seksyon 504 ng Rehabilitation Act (Batas sa Rehabilitasyon) (Section 504).  Kasama dito ang paggawa ng mga desisyon kung sino ang makakatanggap ng medikal na pangangalaga, kasama ang mga bakuna at mga kama sa ospital.  Kasama rin dito ang pagbuo at implementasyon ng mga patakaran tulad ng mga pamatayan sa pangangalaga sa oras ng krisis, alituntunin sa pagbisita, at mga plano sa pamamahagi ng bakuna.  Ang mga taong nakatira sa mga nursing home at mga ibang pasilidad ng pangmatagalang pangangalaga ay nalagay sa partikular na panganib ng impeksiyon at pagkamatay dahil sa COVID-19.  Ipinapakita ng ilang ulat na ang mahigit sa isa sa tatlong bahagi ng lahat ng mga namatay dahil sa COVID-19 sa Estados Unidos—na mahigit sa 172,000 tao— ay naiugnay sa mga nursing home at mga ibang pasilidad ng pangmatagalang pangangalaga.  Ang pagdulot ng mga serbisyo sa tinitirhan- at nakabase sa komunidad na setting sa halip na pasilidad ng pangmatagalang pangangalaga ay  makakasapat sa mandato ng ADA sa pagsanib-sanib sa pamamagitan ng pagpigil sa hindi kailangang institusyonalisasyon.  Maaari itong makabawas sa panganib na dulot ng COVID-19.  Habang tinatanggal ng mga pamahalaan, pinagtatrabahuan, at negosyo ang mga paghihigpit na may kaugnayan sa pandemya at muling pagbubukas, dapat silang sumunod sa ADA at Seksyon 504.   Kasama dito ang pagbigay ng naaangkop na mga akomodasyon at pagkumpuni, pisikal na access, at epektibong komunikasyon.  Para sa mga impormasyon tungkol sa mga karapatan at tungkulin sa ilalim ng mga batas na ito, mangyaring makipag-ugnayan sa ADA Information Line sa 800-514-0301 (boses) o 800-514-0383 (TTY) o bumisita sa www.ada.gov.

3.       Bawasan ang karagdagang kakulangan sa pag-aaral para sa mga madaling mahawaang estudyante. 

Lumala ang mga hindi pagkapantay-pantay sa edukasyon habang nagpapatuloy ang paggambala ng COVID-19 sa pag-aaral ng mga milyon-milyong estudyante.  Ang mga taong may kulay ay nakakaranas ng hindi proporsiyonal na gradong bagsak, tumataas na digital na pagkakahati ng pagkadehado ng mga estudyanteng hindi makapag-access ng internet at pagliban sa klase bilang resulta nito, at mga estudyateng may limitadong kakayahan sa Ingles at/o kapansanan ay nagdurusa ng seryosong kahihinatnan sa edukasyon.  Ang mga estudyanteng walang tirahan o nasa mga piitang pasilidad ng mga kabataang natahulan ay partikular na nanganganib ng pagkakaantala ng pag-aaral.  Ang mga paaralan ay nakakadagadag sa mga hamong ito kapag nabigo silang makipag-ugnayan sa mga pamilyang may limitadong kakayahan sa Ingles sa wikang naiintindihan nila tungkol sa pag-access ng mga online na pag-aaral at mga ibang mahahalagang impormasyon tungkol sa mga aktibidad sa paaralan.  Kung magsisimula ang mga paaralan na muling magbukas o magpapatuloy na virtual na magtuturo, dapat silang sumunod sa mga Pamagat IV at VI ng Batas sa Karapatang Pangmamamayan ng 1964, Pamagat IX ng Mga Susog sa Edukasyon ng 1972, ang Batas sa Pagkakapantay-pantay sa Pagkakataon sa Edukasyon ng 1974, ang ADA, at Seksyon 504.  Ang mga masasanggunian at magagamit para sa COVID-19 ng mga paaralan, estudyante, at mga pamilya  ay makikita sa https://www.ed.gov/coronavirus?src=feature.

4.       Protektahan ang mga kawani sa bilangguan, mga nakakulong at nakadetine, at kanilang mga pamilya. 

Ipinapakita ng mga pag-aaral na kumpara sa pangkalahatang populasyon, may hindi proporsiyonal na bilang ng mga paglaganap ng COVID-19 at mga namatay na nagaganap sa mga pasilidad ng bilangguan, piitan at detensyon sa buong bansa.  Ang mga partikular na komunidad ng may kulay, kasama na ang mga Black, Katutubo, at Latino na mga tao, pati na ang mga taong may kapansanan, ay mas malamang na magkaroon ng kapwa pasyente, at magdurusa ng malubha at pati na ang nakakamatay na mga impeksiyon ng COVID-19, sa pangkalahatang populasyon at sa mga bilangguan, piitan at detention center.  Ang mga indibidwal na may limitadong kakayahan sa Ingles at ang mga may kapansanan ay maaaring makaharap sa pinahigpit na pagkakabukod at kakulangan ng mahalagang access sa mga mahahalagang impormasyon sa panahon ng COVID-19.  Maaaring makalimita ito sa kanilang kakayahang makahingi ng paggamot at napapanahong pagpapalawig ng pangangalaga kung kinakailangan.  Ang mga estado at lokal na bilangguan, piitan at detention center na nakakatanggap ng Pederal na pinansiyal na tulong ay hindi dapat magdiskrimina batay sa lahi, kulay, at sa bansang pinanggalingan sa ilalim ng Pamagat VI ng Batas sa Karapatang Pangmamamayan ng 1964 at mga ibang batas.  Dapat ring tumatalima ang mga ito sa kautusan ng ADA at Seksyon 504 na huwag magdiskrimina ng may kapansanan.  Dagdag sa mga ipinagbabawal ng batas sa diskriminasyon, hindi dapat ipagkait ng mga pasilidad na ito sa mga bilanggo ang kanilang mga karapatan na ginagarantihan ng Ikawalo at Ika-labing-apat na Susog.  Ang mga pasilidad ng bilangguan at detensyon ay sasailalim sa Ehekutibong Kautusan 13166 at sa mga ibang awtoridad na pumoprotekta sa mga karapatang pangmamayan ng Pederal na mga nakadetine at nakakulong.  Para sa karagdagang gabay sa pangangasiwa ng pagtugon at pagbangon sa pandemya sa mga pasilidad ng bilangguan at detensyon, tignan ang https://nicic.gov/coronavirus at https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/community/correction-detention/guidance-correctional-detention.html.     

5.       Protektahan ang mga grupong madaling mahawaan na humaharap sa kawalan ng katatagan sa pabahay. 

Pinalala ng COVID-19 ang kasalukuyang hindi pantay-pantay pag-access ng lahi at ekonomiya sa  ligtas at abot-kayang pabahay.  Sa likod ng mga paghamong ito, pinapanatili ng mga indibidwal ang kanilang mga pangunahing karapatan na magkaroon ng pabahay nang walang diskriminasyon.  Dapat pa ring sumunod sa Fair Housing Act (Batas sa Pantay-pantay na Pabahay) ang mga direktang naglalaan ng pabahay.  Humaharap na ang ating bansa sa matinding kakulangan ng abot-kayang pabahay bago ang mga epekto ng COVID-19 sa ekonomiya na dulot ng malaking pagtaas ng kawalan ng katatagan ng pabahay.   Sa ipinapakita ng mga pag-aaral na ang mga partikular na komunidad ng may kulay ay mas malamang na nanganganib na mapalayas sa tinitirhan, dapat nating tiyakin na ang diskriminasyon ay hindi karagdagang hadlang.  Ang mga impormasyon kung saan makakahingi ng tulong sa pabahay sa panahon ng pandemya ay mahahanap dito: https://www.benefits.gov/news/article/402.  Nagpapanatili rin ng listahan ng mga masasanggunian at madudulugan ang Department of Housing and Urban Development (Kagawaran ng Pabahay at Pagpapaunlad ng Lungsod), na makikita sa https://www.hud.gov/coronavirus

6.       Magbigay ng mga impormasyong nasa mga  ibang wika maliban sa Ingles. 

Malaki ang bilang ng mga tao sa Estados Unidos na hindi nakakabasa o nakakaintindi nang mabuti ng Ingles.  Gayun pa man, kailangang maintindihan ng lahat ng mga tao ang mga sintomas, kailan dapat manatili sa bahay, aano protektahan ang kanilang mga sarili at kanilang mga pamilya para mapigilan ang pagkalat ng virus.  Kailangang magbigay ang Pederal, estado at lokal na pampublikong pagmensahe ng impormasyon tungkol sa mga hakbang pangkaligtasan at pagsisikap para makabangon na nasa maraming magkakaibang wikang ginagamit ng mga taong may limitadong kakayahan sa Ingles. Ganoon din, mahalagang tiyakin nating ang kadaliang ma-access ang wika sa pagpapatupad ng batas, mga hukuman, at mga serbisyo sa biktima para maipaglaban ng mga biktima ng krimen ng pagkamuhi at diskriminasyon ang kanilang mga karapatan.  Ipinag-uutos ng Pamagat VI sa mga tumatanggap ng Pederal na pinansiyal na tulong na magbigay ng mahalagang access sa mga programa at aktibidad na pinoponduhan ng Pederal sa mga taong may limitadong kakayahan sa Ingles.  Ang mga karagdagang impormasyon tungkol sa pagtiyak sa pag-access sa wika at konsentrasyon ng, at mga wikang gamit ng, mga taong may limitadong kakayahan sa Ingles sa partikular na komunidad ay makukuha sa www.lep.gov at https://www.lep.gov/maps/.

7.       Mangalap ng mga datos para mabantayan, masubaybayan at para matiyak ang mga karampatang resulta.  

Kailangan ng COVID-19 ang pananagutan at aksyon para matugunan ang matagal nang pagkakaiba para sa mga Black, Katutubo, Latino, AAPI, at mga ibang taong may kulay, pati na rin ang mga taong may mga kapansanan.  Ang kumpleto, kaalinsunod, at tumpak na pangangalap ng mga datos at pag-ulat ng lahi, etnisidad, kapansanan, at estado ng limitadong kakayahan sa Ingles ay mahalaga sa ating kakayahang matukoy at matugunan ang mga pagkakaiba at hindi pagkakapantay-pantay.  Ang mga Pederal na tanggapan sa mga karapatang pangmamamayan ay mga awtorisado para gumamit ng de-kalidad (mga pag-aaral, ulat sa balita, at mga ibang mapagkukunan ng impormasyon) at dami ng mga datos para magsagawa ng outreach, teknikal na tulong, at pagpapatupad para matiyak ang pagsunod sa Pamagat VI ng Batas sa Karapatang Pangmamamayan ng 1964.  Ang Civil Rights Division ay bukas para makipagsanggunian sa mga Pederal na ahensiya tungkol sa mga pamamaraan ng pagkalap ng mga datos at mga pagtasa para matukoy kung ang mga patakaran o gawi ay mayroon o walang nagdidiskriminang epekto.  Para sa mga karagdagang impormasyon sa pagtukoy ng diskriminasyon sa ilalim ng Pamagat VI at sa pagkalap ng mga datos, tignan anghttps://www.justice.gov/crt/fcs/T6Manual7#Z; tignan rin ang Executive Order 13985 (pagtugon sa kailangang pagkalap ng mga datos sa lahi, etnisidad, at kapansanan).

Gagawin ng Civil Rights Division ang papel nito sa pagpapadali ng may kaayusang pederal na pagtugon sa mga usaping ito.  Sa ilalim ng Ehekutibong Kautusan 12250, ang Department of Justice ang may pananagutan sa pagtiyak ng kaalinsunod at epektibong implementasyon ng Pederal na batas sa mga karapatang pangmamamayan na “pagbabawal ng mga gawing may diskriminasyon sa mga Pederal na programa at programang tumatanggap ng pederal na pinansiyal na tulong.”  Alinsunod dito, aking inutusan na tiyakin ng Federal Coordination and Compliance Section at ng Disability Rights Section ng Civil Rights Division na gamitin ng mga Pederal na ahensiya ang kanilang awtoridad para ipagpatuloy ang komprehensibong paraan para maitaguyod ang makatarungan at pagtatama ng hindi pagkakapantay-pantay sa pagtugon at pagbangon sa pandemya. 

At panghuli, ipagpapatuloy ng Civil Rights Division ang pagtawag ng mga miting sa mga Pederal na tanggapan ng mga karapatang pangmamamayan para: 1) magpalitan ng mga impormasyon at mga masasanggunian ng mga ahensiya para aksyonan ang may kaugnayan sa COVID-19 na panggigipit at diskriminasyon; 2) subaybayan at tugunan ang mga usapin sa mga karapatang pangmamamayan na may kaugnayan sa COVID-19 at mga tumatanggap ng Pederal na pinansiyal na tulong; 3) tumukoy ng mga estratehiya para matiyak na ang Pederal, estado at lokal na mga pagsisikap ay makakatamo ng karampatang resulta sa kasalukuyan at panghinaharap na mergency na pagplano at pagtugon; at 4) makipagtulungan sa mga Pederal na ahensiya para makabuo at matukoy ang mga panggagalingan o mga indise ng mga datos na tutulong sa mga tumatanggap ng Pederal na pinansiyal na tulong sa pagkalap ng mga datos mula sa mga komunidad ng may kulay at mga ibang hindi masyadong nadudulutan ng serbisyo na mga populasyon.  Ang Civil Rights Division, kasama ang mga ibang ahensiya sa kabuuan ng Pederal na pamahalaan, ay magpapatuloy sa pagsubaybay ng mga usapin sa mga karapatang pangmamamayan kaugnay sa COVID-19 at maliksing ipapatupad ang mga batas sa mga karapatang pangmamamayan.  Para magsampa ng reklamo sa Civil Rights Division, pakisagutan ang aming online form sa https://civilrights.justice.gov.  

English Español 簡體字 | 简体字 | Tiếng Việt | 한국어 | Tagalog

Mga Masasanggunian para sa Pamumuno ng May Kaayusan na Pagtugon sa Coronavirus (COVID-19) ng Civil Rights

Ang Civil Rights Division (Dibisyon ng Karapatang Pangmamamayan) ay naghahatid ng mga sumusunod na masasanggunian at magagamit para makatulong sa ating estado, lokal at Pederal na kasangga para maipatupad at mga sumunod sa Pederal na batas sa mga karapatang pangmamamayan habang ating sinisimulan ang pagproseso ng pambansang pagtuos, pagbangon, at paghilom. 

Labanan ang mga krimen ng pagkamuhi, panggigipit, at mga ibang diskriminasyon laban sa mga komunidad na pinapahirapan ng COVID-19, pati na ang komunidad ng Asian American and Pacific Islander (Asyanong Amerikano at mga Taga-Isla Pasipiko, AAPI)

Kung ikaw ay indibidwal na:

Mga Hakbang:

Nakasaksi o nakaranas ng krimen ng pagkamuhi na may kaugnayan sa COVID-19

Makipag-ugnayan sa Federal Bureau of Investigations sa fbi.gov/tips o Tumawag sa 1-800-CALLFBI (225-5324)

 

Nakasaksi o nakaranas ng mga ibang uri ng diskriminasyon batay sa:

·         lahi,

·         kulay,

·         bansang pinagmulan (kasama na ang wika/ninuno),

·         Kasarian (pati na ang sekswal na orientasyon at kasariang pagkakakilanlan),

·         relihiyon,

·         kapansanan,

·         estado ng pagiging mamamayan o imigrante, o

·         anumang mga ibang uri ng proteksiyon

Makipag-ugnayan sa Civil Rights Division sa civilrights.justice.gov.

 

Kung ikaw ay:

Mga Hakbang

Estado o lokal na pamahalaan

Para malaman kung paano mapigilan ang mga krimen ng pagkamuhi sa inyong komunidad, maaari kayong bumisita sa  hate crimes resource page ng Justice Department (Kagawaran ng Katarungan).

 

Pederal na ahensiya:

Para malaman ang paraan para masuportahan ninyo ang mga estado at lokal na mga pagsisikap para malaban ang diskriminasyon sa AAPI, maaari kayong makipag-ugnayan sa amin Seksyon ng Pederal na Koordinasyon at Pagpapatupad (Federal Coordination & Compliance Section).

Tiyakin ang pantay-pantay na pag-access para sa mga taong may kapansanan at iwasan ang diskriminasyon sa kapansanan.

Kung ikaw ay:

Mga Hakbang

Tagatustos ng pangangalaga sa kalusugan at/o pasilidad ng pangmatagalang pangangalaga

Dapat kayong sumunod sa Americans with Disabilities Act (Batas sa mga Amerikanong May Kapansanan, ADA) at sa Seksyon 504 ng Rehabilitation Act (Batas sa Rehabilitasyon) (Seksyon 504) kapag gumagawa kayo ng mga desisyon na makakaapekto sa pag-access sa medikal na pangangalaga, pamamahagi ng bakuna, alokasyon ng kama sa ospital, alituntunin sa pagbisita, at mga iba pang magagamit.

 

Para mas malaman pa ang tungkol sa inyong mga tungkulin sa ilalim ng mga batas na ito, mangyaring makipag-ugnayan sa ADA Information Line sa 800-514-0301 (boses) o 800-514-0383 (TTY) o bumisita sa www.ada.gov.

Ang opisyal ng estado o lokal na pamahalaan, kontratista, o lisensiyadong tagapagdulot ng serbisyo (kasama ang mga pasilidad ng pangmatagalang pangangalaga), na may mga tungkulin sa pagbibigay o paghahatid ng pampublikong serbisyo para sa mga taong may kapansan

Pagdulot ng mga serbisyo sa tinitirhan at nakabase sa komunidad na setting sa halip na pasilidad ng pangmatagalang pangangalaga ay makakatugon sa kautusan ng ADA sa integrasyon sa pamamagitan ng pagpigil sa mga hindi kailangang institusyonalisasyon, habang nakakabawas na rin sa panganib ng COVID-19.

 

Para mas malaman pa ang tungkol sa mandato ng integrasyon sa ADA, mangyaring makipag-ugnayan sa ADA Information Line sa 800-514-0301 (boses) o 800-514-0383 (TTY) o bumisita sa www.ada.gov.

Entidad na muling nagbubukas o nagtatanggal ng mga paghihigpit (estado/lokal na pamahalaan, negosyo, o mga ibang pinagtatrabahuhan) na may kaugnayan sa pandemya.

Tulad ng inyong planong muling pagbubukas, dapat itong isagawa sa paraang tumatalima sa ADA at sa Seksiyon 504, kasama ang pagbigay ng naaangkop na akomodasyon at pagkumpuni, pisikal na access, at epektibong komunikasyon. 

 

Para mas malaman pa ang tungkol sa inyong mga tungkulin sa ilalim ng mga batas na ito, mangyaring makipag-ugnayan sa ADA Information Line sa 800-514-0301 (boses) o 800-514-0383 (TTY) o bumisita sa www.ada.gov.

Isang taong may kapansanan

Para mas malaman pa ang tungkol sa inyong mga karapatan, mangyaring makipag-ugnayan sa ADA Information Line sa 800-514-0301 (boses) o 800-514-0383 (TTY) o bumisita sa www.ada.gov.

 

Para magsampa ng reklamo sa Civil Rights Division, pakisagutan ang aming online form sa https://civilrights.justice.gov.

Bawasan ang karagdagang kakulangan sa pag-aaral para sa mga madaling mahawaang estudyante.

Kung ikaw ay:

Mga Hakbang

Isang paralan o sistema ng paaralan

Kung ikaw man ay nag-aalok ng personal at/o virtual na pagtuturo, dapat kang sumunod sa:

·         Mga Pamagat IV at VI ng Batas sa Karapatang Pangmamamayan ng 1964,

·         Pamagat IX ng Mga Susog sa Edukasyon ng 1972,

·         ang Batas sa Pagkakapantay-pantay sa Pagkakataon sa Edukasyon,

·         ang ADA, at

·         Seksyon 504. 

Mahahanap mo ang mga masasagunggunian at magagamit sa COVID-19 para sa mga paaralan, estudyante, at pamilya sa ed.gov/coronavirus.

Isang estudyanteng biktima ng diskriminasyon batay sa:

·         lahi,

·         kulay,

·         bansang pinagmulan (kasama na ang lahing pinagmulan),

·         kasarian (pati na ang sekswal na orientasyon at kasariang pagkakakilanlan),

·         relihiyon, o

·         kapansanan,

Magsampa ng reklamo online sa Civil Rights Division sa https://civilrights.justice.gov.

 

Mas malalaman mo pa ang tungkol sa iyong mga karapatan bilang estudyante sa https://www.justice.gov/crt/educational-opportunities-section

 

 

Protektahan ang mga kawani sa piitan, mga nakakulong at  nakadetine, at kanilang mga pamilya.

Kung ikaw ay:

Mga Hakbang

Estado o lokal na piitan o bilangguan

Hindi ka dapat maiugnay sa sistema ng nakagawiang kilos o gawi na nagkakait sa mga bilanggo ng kanilang mga karapatan, kasama na ang mga ginagarantihan ng Ikawalo at Ika-labing-apat na Susog.

 

Mahahanap mo ang gabay sa pangangasiwa ng mga pagtugon at pagbangon sa pandemya sa mga koreksiyonal at bilangguan na pasilidad sa nicic.gov/coronavirus at cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/community/correction-detention/guidance-correctional-detention.html.  

Isang estado o lokal na piitan o bilangguan na nakakatanggap ng Pederal na pinansiyal na tulong

Dagdag pa sa itaas, hindi ka dapat magdiskrimina batay sa lahi, kulay, at sa bansang pinagmulan sa ilalim ng Pamagat VI ng Batas sa Karapatang Pangmamamayan ng 1964 at mga ibang batas. Dapat ka ring tumatalima sa kautusan ng ADA at Seksyon 504 na huwag magdiskrimina ng may kapansanan.  

 

Mahahanap mo ang gabay sa pangangasiwa ng mga pagtugon at pagbangon sa pandemya sa mga koreksiyonal at bilangguan na pasilidad sa nicic.gov/coronavirus at cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/community/correction-detention/guidance-correctional-detention.html.  

Pederal na bilangguan:

Dapat kang tumugon sa Ehekutibong Kautusan 13166 at ng mga ibang awtoridad na nakakaapekto sa mga karapatang pangmamamayan ng Pederal na mga nakadetine at nakakulong.

 

Mahahanap mo ang gabay sa pangangasiwa ng mga pagtugon at pagbangon sa pandemya sa mga koreksiyonal at bilangguan na pasilidad sa nicic.gov/coronavirus at cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/community/correction-detention/guidance-correctional-detention.html.  

Isang bilanggong nakakulong sa Pederal na pasilidad o kapamilya ng bilanggong nakadetine sa Pederal na pasilidad

Makikita mo ang mga karagdagang impormasyon tungkol sa pagtugon sa COVID-19 ng Federal Bureau of Prisons (Tanggapan ng Pederal na Bilangguan, BOP) sa BOP: COVID-19 Update at ang dokumentong Correcting Myths and Misinformation about BOP and COVID-19.

 

Makakahanap ka pa ng karagdagang impormasyon tungkol sa posibleng pananatili sa tinitirhan ng bilanggo para magpagaling sa BOP: COVID-19 Home Confinement Information, Frequently Asked Questions at ang dokumentongHome Confinement of Federal Prisoners After the COVID-19 Emergency.

 

Maaaring maging karapat-dapat ka rin para sa pagkakalaya dahil sa awa, basahin ang  Compassionate Release Criteria for Elderly Inmates with Medical Conditions o ang tanong na How does an inmate apply for compassionate release?

Isang bilanggo o nakadetine

Para mas malaman pa ang tungkol sa iyong mga karapatan, mangyaring bumisita sa https://www.justice.gov/crt/rights-persons-confined-jails-and-prisons

 

Para magsampa ng reklamo sa Civil Rights Division, pakisagutan ang aming online form sa https://civilrights.justice.gov.

Protektahan ang mga grupong madaling mahawaan na humaharap sa kawalan ng katatagan sa pabahay.

Kung ikaw ay:

Mga Hakbang

Tagatustos ng pabahay

Dapat kang patuloy na sumunod sa Fair Housing Act (Batas sa Pantay-pantay na Pabahay, FHA).  Ipinagbabawal ng  FHA ang diskriminasyon ng direktang naglalaan ng pabahay, tulad na mga nagpapaupa at kumpanyang nagbebenta ng ari-arian pati na rin ang mga ibang entidad, tulad ng mga munisipyo, bangko o ibang institusyon na nagpapautang at mga kumpanya ng insurance para sa may-ari ng bahay.  Mas malalaman mo pa ang tungkol sa mga rekisitong ito sa https://www.justice.gov/crt/fair-housing-act-1 

Isang indibidwal na malamang na mapaalis sa tirahan o mawawalan ng tirahan

Makakahanap ka ng karagdagang impormasyon sa paghingi ng tulong sa pabahay sa panahon ng pandemya sa benefits.gov/news/article/402 at sa hud.gov/coronavirus.

 

Isang indibidwal na biktima ng may kaugnayan sa pabahay na diskriminasyon batay sa:

·         lahi,

·         kulay,

·         bansang pinagmulan (kasama na ang wika at lahing pinagmulan),

·         seks (pati na ang sekswal na orientasyon at kasariang pagkakakilanlan),

·         relihiyon, o

·         kapansanan,

Magsampa ng reklamo online sa Civil Rights Division sa https://civilrights.justice.gov.

 

Mas malalaman mo pa ang tungkol sa iyong mga karapatan sa pabahay sa https://www.justice.gov/crt/housing-and-civil-enforcement-section

 

 

 

 

Magbigay ng impormasyong nasa ibang wika maliban sa Ingles.

Kung ikaw ay:

Mga Hakbang

Pederal na ahensiya, estado na pamahalaan, o lokal na pamahalaan

Kailangan ninyong magbigay ng impormasyon tungkol sa mga hakbang pangkaligtasan at/o pagsisikap para makabangon sa COVID-19 sa maraming magkakaibang wika na ginagamit ng mga taong may limitadong kakayahan sa Ingles.

 

Makakahanap ka ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagtiyak sa pag-access sa wika ng at konsentrasyon ng, at mga wikang gamit ng, mga taong may limitadong kakayahan sa Ingles sa partikular na komunidad sa www.lep.gov.

Tagapagpagpatupad ng batas; isang hukuman, o biktima ng  tagatustos ng mga serbisyo

Ang mga serbisyo ay kailangang idulot sa mga maraming wika para makahingi ng tulong ang mga biktima ng mga krimen ng poot at diskriminasyon.

 

Makakahanap ka ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagtiyak sa pag-access sa wika ng at konsentrasyon ng, at mga wikang gamit ng, mga taong may limitadong kakayahan sa Ingles sa partikular na komunidad sa www.lep.gov.

Tumatanggap ng pondo ng Pederal

Dapat kang sumunod sa Pamagat VI. Ipinag-uutos ng Pamagat VI sa iyong mag-alok ng mahalagang access sa mga programa at aktibidad na pinoponduhan ng Pederal sa mga taong may limitadong kakayahan sa Ingles.  Makakahanap ka ng karagdagang impormasyon tungkol sa iyong mga pananagutan sa ilalim ng Pamagat VI sa https://www.justice.gov/crt/fcs/TitleVI.

 

Makakahanap ka ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagtiyak sa pag-access sa wika at konsentrasyon ng, at mga wikang gamit ng, mga taong may limitadong kakayahan sa Ingles sa partikular na komunidad sa www.lep.gov

Isang indibidwal na may limitadong kakayahan sa Ingles

Makakahanap ka ng karagdagang impormasyon tungkol sa iyong karapatan sa mga serbisyong tulong sa wika sa https://www.lep.gov/

 

Para magsampa ng reklamo sa Civil Rights Division, pakisagutan ang aming online form sa https://civilrights.justice.gov.

Mangalap ng mga datos para mabantayan at masubaybayan ang posibleng ganap na naiibang mga epekto at sikaping matamo ang mga karampatang resulta.

Kung ikaw ay:

Mga Hakbang

Pederal na ahensiya, estado na pamahalaan, o lokal na pamahalaan

Ang pagkalap ng kumpleto, kaalinsunod, at tumpak na mga datos sa lahi/kulay, bansang pinagmulan, etnisidad, kapansanan, seks (kasama ang sekswal na orientasyon at kasariang pagkakakilanlan), at estado ng limitadong kakayahan sa Ingles ay makakatulong sa mga pamahalaan para matukoy at matugunan ang mga hindi magkakapantay-pantay na resulta.

 

Ang Civil Rights Division ay bukas para makipagsanggunian sa mga Pederal na ahensiya sa mga pamamaraan ng pagkalap ng mga datos at mga pagtasa para matukoy kung ang mga patakaran at gawi ay mayroon o walang ganap na naiibang epekto. 

 

Makakahanap ka ng mga karagdagang impormasyon sa pagkalap ng mga datos at pagtukoy sa ganap na naiibang epekto sa ilalim ng Pamagat VI sa www.justice.gov/crt/fcs/T6Manual7#Z at Executive Order 13985 (pagtugon sa kinakailangang pagkalap ng mga datos sa lahi, etnisidad, at kapansanan).